Aug 7

Aug 2

Jul 31

Jul 6

like duh?!

argh! i swear dude. this is so ‘effin hirap talaga. im not saying na i making suko na, you know naman me, i never surrender. fight until the end. but this…this is so outrageously sakit sa ulo.

tsong naman kasi, i never had any experience feeling so pathetically into someone. alam mo yun… parati na lang syang laman ng mga thoughts ko. it feels like im this highschool kid, with raging hormones, who cannot make pigil his thoughts… clean thoughts…you know naman im the epitome of wholesomeness.

pero pare whats so malabo in this freakin situation is the fact na di ko ma-dig yung mga signals nya. i mean, hello, i was like known for being good in interpreting signals. its like my natural ability na to do that. but now, OMG! it feels like im elle woods… totally clueless.

and that’s what’s frustratin me man! even my imaginary friends is so lito na with what’s going on. and just for this week alone, we like had conference call every single day, just to make isip kung ano ba talaga. good thing my imaginary friends are rich din,so we can make aksaya countless minutes from our mobile.

as in tol, im in the edge of being baliw na. buti na lang my braincells are capable of adapting to change in an instant. im about to run out of excuses na kung bakit ba malabo. there was even this mamang uling blabbering like a total idiot saying na i’m cursed for life that’s why im having this dilemma. and i was like, duh! who made you my official future teller? the nerve!

im about to use my satellite phone na nga to make a call to Papa God to send some of his angels to help me figure this out. kung bakit di malabo. kung bakit magulo. kung bakit ganito. dahil ba sa snob ako? masungit? at unapproachable? or is because i belong to the upper echelon of the social strata at ikaw,isang hamak na magsasaka lang?

look bro, i like you and i dont care about the status quo. even if we are lightyears apart i would still like you. ganon ka tindi ang tama ko sayo. im not sure what you say or pay to mr kupido to do use multiple arrows for me. you don’t need a castle and you don’t need to be a knight para maging tayo. kahit member ka ng mafia or may lahing vampire…. i don’t care! you make me wana do this and that. you bring out the postiveness in me. hindi kita kayang tiisin. hindi ko alam kung ikaw na ang sagot sa long time prayer ko… pero whatever purpose you have in my life, im happy dahil ang bottomline, naging part ka nito.

hayy,basta i wont make suko. ill still do this until you say so. and when the day you say no, i wont make kulit. i wont make papansin. i wont make pakyut and most specially i wont make you like me if u dont.


Jul 3

isip isip

Marami akong iniisip, naiisip at gustong isipin. Pero mas gusto kong malaman ng lahat ng tao ang lahat ng kabangagan ko. Wala lang. Magpapansin! Umepal! Umasang may mga taong tatamaan sa lahat ng sasabihin at isusulat ko dito at may magsabing “OO Kuya Rye, naiintindihan kita…”

Pero ayos lang sa akin kung hindi siya tamaan. Baka nga naman manhid siya.. Pero bakit nga ba kailangang tamaan? Sino nga bang kailangang tamaan? Ay Naku, Ewan!

Papel ko na ata ang maging takbuhan ng buong bayan sa oras na magkaroon sila ng problema sa lovelife. Hindi naman ako nag rereklamo, masaya nga ako at ako ang napili nilang lapitan. Dalawa lang naman ang linya ko sa mga kaibigan kong humingi at humihingi ng payo tungkol sa kanilang love life… “May hangganan ang pagiging martir, di masamang maging self-fish kung minsan. ” o di kaya “Wag na wag kang gagawa ng sarili mong multo.” Isang logical na sagot mula sa isang logical na ako. Hindi naman na kasi kailangang magpaka - analytical at magpaka – subjective ng taong nagbibigay ng advice. Tapos sasabihin nila, “Alam mo may point ka dyan friend. Kaya nga inggit ako sa’yo kasi okay ang buhay mo, wala ka kasing love life eh. Di ka stressed! Di ka paranoid! Di ka mukhang zombie dahil sa laki ng eyebugs –“.

“In other words, hindi ako mukhang tanga!!!”

Ayos! Umandaar na naman ang bibig ko, matapos kong bolahin ang kaibigang binigyan ng payo simpleng lait sa huli… Nakasakit na naman ako! Pero ‘yon naman ang totoo at kilala ako sa pagsasabi ng totoo – masakit man ‘to!

Tapos bigla kong narealize, may problema na rin pala ako. Hayop talaga! Gusto kong sumigaw! Gusto kong mang away! Gusto kong patayin si Voldemort kahit hindi ako si Harry Potter! O di kaya gamitin ang allSpark para makakuha ng enough energy para talunin ang lahat ng dark forces. Kung bakit ba kasi may nanggugulo na rin ng buhay ko ngayon? At bakit ko hinayaang guluhin niya ang buhay ko!!! Ahhh!!!

Ang dami ko namang crush. AS in. Sobra. Si SD RT. Yung TL sa 5th floor. Yung TL sa 4th. 2 sa Facebook. Yung barkada kong kababalik lang from the European Chorale Competition. Yung kasama ng barkada ko sa Chorale na may fluid at electrolyte imbalance . Yung isang FAi ng UP Sci. Si Arcade Boir. Yung teacher ko sa Data Struc. Si fhenix44. Si Gabe Bondoc. Si Jennilyn Ami na batchmate ko sa DOST. si Meldya Porcalla na batchmate ko noong highschool. Si Aljean Yoshiko. Si Juliet Escalante na pinsan ni Ate Bito (Bituin Escalante). Si Carol Banawa. Si Diane Dela Fuente. Si Angela Velez. Si Jennifer Garner. Si Rory Gilmore ng Gilmore Girls. Si Beverly Mitchell a.k.a. Lucy Camden, Ang Charmed Ones!

TWENTY-THREE. IMAGINE? Yan lang yung mga crushes na pinagsasabi ko sa lahat. Pano pa kaya kung isama ko pa yung mga secret crush ko.

Ayos lang, tutal hindi naman nila ginugulo ang buhay ko. Kaso may isang tao na hindi ko maintindihan kung bakit kahit anong gawin ko, wala siyang tigil at walang kapagod pagod na tumatakbo ng paikot – ikot sa isip ko. Pero alam kong wala siyang kamalay - malay na ginugulo niya ang buhay ko. Dense kasi ata siya. Pero talagang ganon eh. Natalo pa niya si David Rice mula sa Jumper at si Casper. Kahit saan ako tumingin nakikita ko siya.

Inalis ko na yung pangalan niya sa phonebook ko noon. Kaso sinulat ko pa rin sa isang resibo na nasa wallet ko. Tanga talaga! Tapos binalik ko ulit sa cell ko. Naisip ko wala rin namang epekto kung nasa cell ko siya o wala kaya inilagay ko na lang ulit, kasabay ang pangakong hindi ko na siya itetext. Panahon na para kalimutan ko siya… pero technically wala naman akong dapat kalimutan, wala naman kasi kaming nakaraan… hindi naging kami! At malabaong maging kami?! Pero, umasa pa rin ako… umaasa…

Okay na di ba? Pero hindi! Mas malala ang naging resulta!

One time, habang kinakalikot ko ang cellphone ko, umandar ang mga daliri ko at dali-daling gumawa ng isang mensahe at kusang pumindot ng mga numbers… Akalain mo, matapos kong maitype ang number lumabas ang pangalan niya. Oh hindi! Na memorize na ng mga daliri ko yung cell number niya. Tsk. Tsk. Tsk. Kawawa naman ako!

Isang araw, habang nabakante ako mula sa pagiisip ng mga numero, dumating ang imaginary friends ko — Ang bioman. Kamustahan. Birahan. Kulitan. Saya na sana ng araw ko, kaso sabay hirit sila ng “Dumaan siya sa headquarters kanina ah!” Asar na asar ako. Ayos na eh. Ganda na nga ng araw ko kasi kasama ko ang bioman kahit hindi sila kumpleto, tapos ganon?! Naman! Utang na loob!!! Sabay sasagot ako with matching facial expression na tinuro sa workshop ko sa ENTABLADO, “So? Paki alam ko?!”

At finally tinanong nila ang isang tanong na matagal ko ng hinihintay na sagutin sa harap na maraming tao: “Bakit? Ayaw mo na sa kanya!?”

“This is it!” bulong ni direk sa tenga ko. Yumuko ako. Tumahimik muna. Binuild up ang emotion. Parang si Lei sa harap ni Teng Tang Chin. Ito na yung moment ko. Buntong hininga. Dahan dahang tititigan sila ng makuhulugan. Biglang magkakaroon ng split personality disorder, sumigaw ng “ACTION” si direk, harap sa kamera sabay ngiti at saby sabing: “Sino ‘yon?”

And the crowd goes wild… este shock pala!!! Nagandahan si direk sa ginawa ko. Effective ang mga acting lessons ko. Wow, parang hindi ko na talaga siya kilala.

Pero bigla siyang dumaan out of nowhere. At parang namagnet ang ulo ko, automatic ang lingon ng makita ko siya sa peripheral vision ko. Para akong na hypnotize ni Eric Mana. Parang ahas na sumusunod sa isang snake charmer na dumaan sa harap namin. Pero gaya ng dati, daan lang siya, parang ambon na dala ng hangin. Walang lingon lingon. Diretso sa kanyang pupuntahan. Walang nakitang kakilala. Sa text lang nga naman pala kami friends. Tapos bigla kong naalala ang bioman na hanggang sa mga oras na ‘yon ay nakatingin pa rin sa akin at ng tingnan ko sila isa – isa, may mga nakakalokong ngiti na sa labi.

Nasira na ang araw ko! Na sa akin na ang Best Actor trophy, na bawi pa. Kaya bunton lahat ng galit sa mga taong wala namang kaalam – alam sa mga nangyari. Kay fate at destiny na walang sawa kong pinagtritripan. Sa isang maitim na espiritu na halos sabihan ko na ng “You’re B3 right? You should know how to do it!” Gusto ko ng balatan ng buhay ang lahat ng taong nakasalubong ko na nagtanong kung anong problema ko. Gusto ko ng mag Orb papuntang Timbukto!

Nang sumunoda kaming magkasama ng bioman syempre kunwari walang nangyari. Happy ulit. Smile. Project. Ayos na, eh biglang may nagtanong ng, “Wala ka bang tulog kagabi? Halata sa mata mo eh!” WHADDAFACT IS DAT?! Pero hindi pa rin ako nagpahalatang mas lalong nabwisit sa comment na ‘yon. Smile ulit. Project. Pero may bumanat ng “Ganyan talga pag in - love!” May background pang palihim na tawa, at sabay – sabay silang kumanta ng —- “shadamdadam, shadadam… kapag tumibok ang puso… wala ka ng magagawa kundi sundin ito…”

Di na ako makapagsalita. Lutong luto na ako. Pero turo nga sa akin ng Nanay ko, na kahit na tustado na ako sa pang aasar ‘wag kong kakalimutang magsmile. Mother’s knows best kaya madalas akong nakikinig sa sinasabi niya. Nakikinig lang, hindi sinusunod. Pero dahil sa alam kong effective itong turo niya, kaya smile ulit. At bigla kong naalala yung pinaka effective na palusot. Tingin sa kamera, sabay ngiti at sabay sabing, “Sino ‘yon?”

Yes! Lusot na diba? Pero hindi, sumabit nga eh. Mali yung statement ko. OH HINDEH!!! At bago ko pa mabawi ang nasabi ko, humirit na sila ng, “Bakit? Wala naman kaming sinabing pangalan eh!!! Yak… Halata!!!” Nanliit na ako. Wala na!

OMG!!! Anong nagawa ko!?! Gusto ko nang kainin ako ng lupa at itapon sa kung saan man… Nandidiri na tuloy ako sa sarili ko.

Pero ito na ‘yon, panahon na para kalimutan ko siya! Kakalimutan ko na talaga siya.

One time nakausap ko ang paborito kong playmate sa lihim na hardin

<liluu> sino na yung crush mo?
<kris> meron b?
<kris> .walang wenta!
<liluu> ows? bkt?
<liluu> :(
<kris> bsta. wla syang wenta.
<liluu> mahal mo?
<kris> huh? tnong yan!!!
<kris> crush lng ah?! mahal na agad?
<liluu> ahahah! sira. ganon dn yun.
<liluu> mhl m yun…
<liluu> mhal mu pa rin…
<kris> weh
<liluu> hnestly, mhl m p rn b?
<kris> hmm…
<kris> argh!?#@
<kris> ewan!
<liluu> wlang wenta pro mhal mo!
<liluu> tsk tsk tsk… baby, aminin na kasi… ako pa niloko mo. alam mo namang iisa liko ng bituka natin.

Natigilan ako. Hindi ko alam kung bakit umabot sa ganon ang usapan… Crush lang naman ah. Pero Mahal? Ano yun?!

<liluu> am I ryt?
<liluu> hey baby… ano na?

Asar ako… pero hindi ko pinahalata. Sabay type ng “gtg”. Sinamahan pa ng “bukas ulit. Kakain na kami.” Alt-F4. Logout. Shut down.

Asar na talaga ako sa sarili ko… habang tumatagal lalo lang akong nahuhulog sa kamandag ng taong ito. Gusto ko ng madissolve at mawala sa hangin o kaya maging shape shifter para wala ng makakilala sa akin.

Ako na ngayon ang nangangailangan ng advice. Pero walang kwenta lahat ng sinabi nila. “Kalimutan mo na siya.” PAANO? “Wag ka kase magpapaapekto. Wag mo isipin yung sinasabi ng ibang tao.” HA?!? ANG LABO!!! “Marami pang iba jan.” EH SA KANYA KO LANG ULIT NARAMDAMAN ITO!!! Aasarin pa ko at sasabihing, “Bakit di na lang si _____? Yihee. Bagay naman kayo ah.” Ngek, ano yun, ganon lang kadali?

Ngayon Stress na ako. Paranoid. At mukhang zombie. In short tanga… dahil sa love.

Nakakainis. Di ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko.

Tama na! Ayoko na! Bwisit sa buhay yang feelings na yan. May magtatanong pa, “Bakit mo ba yon mahal?” Wow pare, wala akong maisagot. Buti pa sa Math pwede kang manghula ng formula, pwede kong paglaruan ang solution ko. May partial points pa. Eh sa tanong na yon? Tsk tsk. Malabong mangyari yon.

At kung nag aaral pa ko ngayon at BS Love and Affection ang course ko ‘tol, ngayon pa lang magshift na ako sa BA Emotionlessness and Insensitivity habang maaga. Malamang magkita pa kami ng taong yon doon. Manhid nga ata kasi siya.

Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na wala na talaga akong pakialam sa kanya. Pero bakit pag nakikita ko siya, natitigilan pa rin ako?

Tatawa na lang ako. Bilin kasi ni Nanay. Lalakasan pa ng kaunti para di mahalata yung pagkabigla ko. Di na naman ako makakapagsalita. Litong-lito na. Di ko alam kung bakit nga ba ganon. Kung bakit ako apektado. Kung bakit nagbabago ang lahat pag nandiyan siya. Kung bakit gustung-gusto ko siyang bigyan ng nerve cells para maramdaman niya ang lahat lahat.

Ngayon, ipapabasa ko ‘to sa mga kaibigan ko, sa bioman, sa iba pang taong wala talagang pakialam sa akin at hopefully sa kanya. Sa kanilang lahat, di ko alam kung sino talaga ang may tiyagang tapusin ang ganito kahabang senseless na mensahe. Di ko rin alam kung sino talaga ang mag-iisip para sa akin. Di ko alam kung sino ang maaapektuhan at kung sino ang tatamaan.

Somehow, gusto ko nang Sabugan ng pc. Mag-brown-out. Biglang mag-collapse. Umiyak. Malunod. Maging ipis. Mabagsakan ng asteroid. Maglahong parang bula.

Kase, tama yung sinabi ni liluu. Sinasabi kong walang kwenta, pero mahal ko. Mahal na… Nahulog na ko.

Kung bakit ba naman kasi nagging hobby ko na ang mahulog sa kung sino sino kahit alam ko namang hindi nila ko sasaluhin. Hayyy.


balagoong

balagoong (pronounced: Bah-Lah-Go-Ong) ang tawag sa taong palaging taya… yung batang parating kawawa sa mga laro. taga tayo ng lata sa tuwing tutumba ito sa tumbang preso, taga hanap sa mga nagtatago sa taguan, taga bantay sa mga bababa sa lupa - sa langit lupa, taga taya sa larong monkey monkey anabelle at shake shake shampoo, taga sigaw ng pepsi sa pepsi 7-up, at ang classic na taga habol sa larong habulan.

ako na ata ang pinaka “competitive” na bata sa kalye namin, dahil ni minsan hindi ako natawag na balagoong…. *buntong hininga* noon yun…

hindi ko akalain na kung kelan ako tumanda’t hindi nag lalaro saka ako mababalagoong.

hindi na bago sa akin ang laro ng pag-ibig… marami na rin akong naging kalaro dito, yun nga lang, mahirap sabihin kung kelan ka panalo o talo(yun eh kung meron ngang panalo o talo sa larong ito).

matagal na kitang kilala, wala sa isip ko ang makipag laro sa’yo noong una. sa wari ko nga’y mataas ang batayan mo at hindi ako papasa dito. at sa totoo lang pagod na kong maging taya. sawa ng mag-hanap sa taong nagtatago, mag-abang sa taong magaling umiwas at humabol sa taong walang balak huminto. ilang beses na rin naman kasi akong nahulog at nasugatan sa pagiging taya,patunay dyan ang mga peklat na nagsisilbing alaala ng panahong lumipas.

pero wag ka defense mechanism ko lang yun, ayoko lang kasing muling masugatan.

ayos naman ang lahat, hanggang sa inakala kong makipag-laro ka.

laking tuwa ko ng inakala kong nakikiapaglaro ka na. para tayong mga batang nagkatabi lang at wala pang 5 minutes na mag kakilala pero napagkwentuhan na natin halos lahat ng bagay tungkol sa isa’t isa. yung mga nangyari sa atin, sa pamilya natin at sa mga kalaro natin. naibahagi na rin natin ang mga plano natin sa buhay at sa ating pag-tanda. akalain mo ngang marami tayong bagay na  napagkakasunduan. mga bagay na pinlit kung makipag sundo ka. sobrang saya ko ng panahong yun, pati ngayon naman. nakita ko sayo ang kalarong pang-matagalan. masaya tayo kahit dalawa lang tayong nag papalitan ng pagiging taya, hanggang sa mag “taym-pers” ka

hindi ko alam kung anong nangyari. akala ko noong una kasalanan ko. akala ko napikon ka sa laro natin. nainis sa pagiging taya. nag sawa sa pakikipag taguan, tumbang preso, at  habulan. o di kaya nama’y nag sawa ka na sa pakikipaglaro sa akin…

dahil ba sa mga batang paslit na sinali ko sa laro natin? mababait naman sila. matagala ko ng kaibigan ang mga musmos na yun, wala silang gagawing masama.

hindi mo naman kelangan mag taym-pers at biglang magkulong sa bahay. naiinitindihan ko naman na pagod ka na ng mag laro. kung dahil sa mga batang paslit, pwede ko naman silang paalisin, at hindi isali sa ating laro.

‘wag kang mag alala hindi ako galit sayo. ang totoo nga iniintay ko ang muling paglabas mo sa bahay nyo para makipaglaro sa akin.
natuwa nga ako ng sumilip ka sa bintana noong isang araw at nagsimulang makipagkwentuhan sa akin. daig ko pang ang batang may bagong laruan at ice cream ng pinayagan mo kong bigyan ka ng chocolate. para sa akin, simbolo yun na bati na tayo. dito lang ako sa labas ng bahay nyo, nakatambay.

sa ngayon, ito ako, taya… nag iintay sa muli nating paglalaro…. at kahit gano katagal pa kong mag-hanap, mag-abang at humabol hindi ako magsasawa o mapapagod dahil ikaw ang kalaro ko.Ü

ako, eto, balagoong sa ingles —- pathetic loser.


Jul 2

alam mo

    Alam mo, nakakatawang isipin kung paano ko nasabi sa sarili ko na “I believe in love.” Nakakatawa kasi sa buong buhay ko, ni wala pa yatang nagpakita o nagparamdam sa akin ng lintek na pagmamahal na yan. Ang ibig kong sabihin yung pagmamahal na tipong nakakabiliw, ‘yung halos mabaliw sa akin yung taong ‘yon; kasi ako, mabaliw-baliw ako sa tuwing na in-love.

    Sabi nga minsan nung isa, “We’re better of as friends.” PUCHA!!! Kaibigan?! Sa lahat ng ginawa ko para sa kanya at sa lahat ng sinakripisyo ko, kaibigan lang pala. Ano ba ito?! Lokohan!! Pero sige sabi ko “move on, move on.”

    Tapos ‘yung isa sinabi, “HINDI NAMAN AKO NAGKULANG! SINABI KO NAMAN SA’YO LAHAT-LAHAT UMPISA PA LANG! NILINAW KO SA’YO! PERO MUKHANG HINDI KA MARUNONG UMINTINDI!!!” Hanep naman, binisita mo na sa bahay, nagpaka sweet ka na, nagpakababa at halos mabaliw ka na para lang magawang mapaligaya siya. Tapos sisisihin ka dahil hindi mo na kayang kontrolin ang sarili mong nararamdaman para sa kanya. Pero ano pang magagawa ko. Ang sabi ko na lang sa sarili ko, “its your loss, not mine!” <kahit na masakit!>

    Meron din namang ibang humahabol habol, nagpapalipad hangin at nagmamaganda!!! At kung kelan mo na balak makipag seryosohan sa taong yon saka naman siya hihinto. Dahil nalaman na daw niya kung anong gusto niya at kung sinong para sa kanya. Hanggang sa umiwas na lang siya, di kayo magpansinan at hanggang sa tuluyan ng lumaki ang gap niyo sa isa’t isa. Ang sabi ko na lang sa sarili ko, “BAHALA KA! MARAMI PA NAMANG IBA DYAN!” Tapos sige move on ulit.

    Pero higit sa lahat ito ang pinaka maganda!!! Nanligaw ka, tapos sinagot ka. Maganda na sana ang relationship nyo pero isang araw sasabihin na lang niya, “HINDI KO NA KAYA! TAPUSIN NA NATIN ITO!!!” Iniwan na lang ako basta dahil sa isang dahilang hindi ko malunok, matanggap, masakayan at maintindihan. Ni hindi ko alam kung anong gagawin ko, gusto ko siyang suntukin, upakan, tadyakan at bugbugin ng paulit ulit dahil baka sakalaing matauhan at sabihing “JOKE LANG PO!” Pero hindi. Sa halip na maramdaman niya ang sakit ng mga suntok at kirot sa mga upak ko, ako pa ang halos mamatay dahil sa triple o higit pang sakit ng mga tadyak na muling bumalik sa akin. Sa huli, wala akong magawa kung hinde tanggapin ang lahat at maging masaya para sa kanya at sa bago niyang minamahal.

    Totoong nakakapagod magmahal. Pero bakit pa rin ako patuloy na naghihintay? Masayado lang ba mataas ang tiwala ko sa love o saydnag tangengot lang talga ako. Pareho ata! Kakambal na kasi ng pagtitiwala ko ang love na yan!

    Masarap magmahal kahit na hindi mo alam kung mahal ka rin niya. Basta ikaw mahal mo sya! Yun lang ang importante. Makita mo lang siya, iba na ang feeling, madikit lang sa’yo ang isang sinulid ng damit niya feeling mo hinawakan ka na niya, at higit sa lahat sabihin ka lang niya ng “HELLO!” halos mabuwang ka na… biruin mo ba naman, kinausap ka ng taong kumumpleto sa pagkatao mo.

    Madrama na kung madrama. Pero ganon talaga pag in-love. Walang corny-corny, basta para sa iyo, kahit na may corn field pa sa utak ko, okay lang sa akin, mapasaya ko lang siya; dahil patuloy akong magmamahal at aasa na sana nga tayo na forever and ever.

    Ako? Takot na akong main-love ulit. Takot na balikan ng mga suntok ng pagibig. Kaya lang nakilala kita kaya ito, muling nabuhay ang pag asa ko sa love. Kaya nga nasabi ko sa sarili ko “Sige lang, itutuloy ko ito! Malay ko kung IKAW na ang katapat ko!”

    Takot man ako pero kakayanin ko ang takot kong ito. Hindi para sa akin, kundi para sa iyo. Sa taong muling nagpatibok ng puso kong tanga. Yung taong aalagaan ko at aalagaan ako; yung taong parating nariyan para sa akin at yung taong handa kong damayan sa lahat ng oras. HAAAYY!!!

    Masarap at masakit umbig. Magkakambal yan. Ngayon ito ako, puno ng pag asa para sa iyo. Kaya nga sabi ko “I believe in love cause I’ve met you!”


Jul 1

Jun 30

logic

isa akong logical na tao. logical, ibig sabihin isang taong di nauubusan ng tanong. pilit kong hinahanap ang mga rason para sa mga bagay bagay at gumawa ng isang perpektong desisyon base sa mga rasong ito.

ako na nga ata ang pinaka busy na tao sa opisina. sa loob ng halos humigit kumulang labing dalawang oras na pananatili dito,maswerte na ang dalawang oras na hindi mo ko makita sa aking lamesa. biruin mo,ultimo mga director alangan lapitan ako.

pero may sikreto ako,shh, atin lang to. hindi sa lahat ng oras, trabaho ang tumatakbo sa isip ko. wag kang magulat na parang nakakita ka ng multo,tao lang din naman ako. at normal para sa isang kagaya ko ang magkaroon ng ibang bagay na iniisip.

ang mga bagay na to ang nagsisilbing pangtanggal umay ko sa araw araw na numero, strategy, analysis at formula na parte ng trabaho ko.

planado ko ang lahat, at parang kalkulado ko ang mga mangyayaring sunod sa buhay ko. hawak ko ang algorithm, ang perpektong pseudocode ko. lahat ng mga mangyayari alam ko na, na parang program na ako mismo ang sumulat. Oo, lahat.

lahat siguro alam ko na.

pwera ang virus mo.

aaminin ko, isa ka sa mga virus na noo’y iniwasan ko.

hindi ko alam kung pano mo napasok ang pinaka-loob ko kung saan nakasulat ang walang kasing epektibong source code ko.

pinilit kung gumawa ng back-file at temp setting habang patuloy kang tumatakbo sa loob ko. pero iba ang kamandag mo. sa di malamang dahilan, kahit anong pilit kung compile at mag back-up ng data, hindi ko magawa.

kalog ka pala. ang dating silent but deadly type na dala ng virus mo ay nabura sa aking virus vault. ang simpleng trip at simpleng pananaw mo ang kusang bumago sa syntax ng aking defense system. binura ng pagiging totoo mo ang alaala ng mga virus na kagaya mo.

uy,bago tuluyang lumaki yang ngiti mo at pumalakpak ang tenga mo,patapusin mo muna ko.

pinilit ko iretrieve sa archieve ang epekto na dala ng virus mo. ngunit sa kahit anong pagsusumikap na gawin ko, parating failure to load ang error na nakukuha ko. tuluyan mo ng nabura ang ang lahat ng impormasyon meron ako.

at doon nagsimula makaramdam ang logical na ako. nakalimutan ko ang rason, at nagsimulang malito. biglang ikaw na lang ang naging rason. ikaw na lang. bakit, sino ka nga ba? kung ikaw ang millenium bug, malamang hindi ako Y2K ready.

buti na lang may automatic page out ang perpektong algo ko. mula ng marealize ng sistem na may mali sa akin, agad itong nag padala ng SOS sa aking mga superoheros. agad nitong tinawagan ang aking imaginary friends para humingi ng saklolo.

dumating ang bioman para tulungan ako, pero ang inaakalang tulong, nauwi sa isang conference ng kilig at walang sawang kulitin.

nariyan si yellow4 at sinabing, ang liwaliwanag ng led light ko, parang bagong palit. si green2 na tuwang tuwa dahil parati na daw akong naka user friendly GUI. si red1 na walang sawa sa pagpapaalala sa mga kasamahan ang pwedeng maging epekto nito sa akin in the end. si blue3 na tatango tango lang sa isang sulok pagtapos humirit ng ‘akong bahala…lagot sa akin yang virus na yan pag nakroon ka ng komplikasyon’. at si pink5 na pinilit gawin ang lahat para maging compatible ang virus mo sa sistema ko.

pati si destiny at fate nakisali na din. ilang nilalang narin ang aking nakasalamuha at sa di inaasahang pagkakataon, nauuwi sa virus mo ang paksa. nag kikibit balikat lang ako sa tuwing babanggitin ito, walang ibang nakakaalam na nasa infected na ko ng virus mo maliban sa bioman.

maayos na sana ang naging epekto ng inpeksyon mo sa sistema ko… hanggang sa di inaasang mag short-circuit ang mainframe ko. nakita mo tuloy ang tunay na tumatakbo sa loob ng binary system ko. nagawa mong iinterpret ang walang tigil na pagbuhos ng 1 at 0. hindi ko alam na masama ang magiging epekto sayo nito. ang dating matamis na epekto ng virus mo sa sistema ko eh napalitan ng walang kasing paklang data mula sayo. nasira ang ating symbiotic exsistence.

ang dating perpektong algorithm ko nahanapan ng butas. kung meron sanang auto shutdown ang system ko sa tuwing mag kakaroon ng short-circuit malamang di nangyari yun. malamang hanggang ngayon ayos tayo.

ito na ata ang pinakamalala at pinakamasamang epekto ng isang virus sa akin.

tuluyan ng bumigay ang mainframe ko. kinailangan kong mag hibernate ng ilang araw bago inumpisahang ayusin ang mga parteng naapektuhan mismo. sa ngayon pilit kung ginagawang normal ang takbo ng aking sistema kahit alam kong may mali…. may kulang… may nawawala.

hindi madaling palitan ang mga codes na binago mo. encrypted syntax ang ginamit mo. sa ngayon wala akong balak baguhin ito. masaya ako sa epekto nito.

kung Java program ako, isa kang exception na hindi ko alam i-execute. kung C, kahit magcompile ako hindi ko na magawa. ikaw ang anomaly ng matrix ko, at kahit si agent Smith o merovingian e natalo mo. ikaw na nga ang “why”, pati ba ang “what” ikaw pa rin? sabihin mo naman sa akin kung pano mo ‘yon ginawa. bakit? ikaw ba yung the one? kung ikaw nga… sana ayos lang sa’yo.


Jun 29

Page 1 of 2